Noon pa man, ang wikang Filipino ay palagian nang ginagamit kasama ng mga banyagang wika. Bagamat Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas, hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na dalawa ang ating opisyal na wika: Filipino at Ingles.
Sa araw-araw na mga opisyal na talastasan sa mga opisina at paaralan at mga naririnig, napapanood, at nababasa sa radyo, telebisyon at peryodiko, hindi maipagkakaila ang sabay na paggamit sa dalawang wikang nabanggit. Karamihan nga sa ating mga Pilipino ay nakauunawa o nakapagsasalita sa parehong wika.
Mula pa noong panahong nasakop ang ating bayan, naging aktibo na ang wikang Filipino kasama ng ibang wika. Ito’y tulad noong panahon ng mga Kastila, kung kailan naging opisyal na wika natin ang Espanyol. Ito ay nagresulta sa mga salitang Filipino na naihalo sa kanilang pananalita (Halimbawa: silla = silya at cebolla = sibuyas). Sumunod ang Ingles nang gamitin itong midyum sa pagtuturo ng mga Thomasites o mga Amerikanong guro na nagtayo ng mga paaralan sa Pilipinas. Ginamit din ang wikang Ingles sa pagbabalangkas ng bagong konstitusyon at mga batas para sa panibagong uri ng gobyerno na ipinakilala ng mga Amerikano.
Mula noon, dahil sa patuloy na paglaya, paglago, at pagbukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, dumami pa ang nakasasalamuhang wika ng Filipino—sabay sa mas aktibo nating pakikipag-ugnayan sa mundo.
Marahil, isa ito sa mga dahilan kung bakit naaakit na makipagkalakalan sa ating bayan ang maraming negosyo mula sa iba’t ibang bansa. Kasama na rin dito ang paglago ng sektor ng BPO o “business process outsourcing” sa maraming bahagi ng ating kapuluan na nagbibigay ng mga oportunidad at pag-unlad sa mga Pilipino.
Sa katunayan, maraming banyagang institusyon ang nangangailangan ng pagsasalin sa Filipino tuwing bibisita o kaya’y magnenegosyo sa ating bansa. Ang mga pangangailangang ito ay handang-handang tugunan ng Lexcode Inc. bilang isang institusyong tagapagsalin sa Pilipinas. Patuloy na magiging tapat at handa ang Lexcode na magsalin ng iba’t ibang wika sa Pilipinas.
Subalit hindi lamang mga pagsasalin sa Filipino ang maaaring maibigay ng aming mga propesyonal na mga tagasalin. Tumatanggap din ang Lexcode ng pagsasalin sa mga lokal na diyalekto tulad ng Bikol, Cebuano, Ilokano, Waray at iba pa.
Nawa’y sa paggunita natin sa araw ng kasarinlan ng ating mahal na bansang Pilipinas ngayong buwan ng Hunyo ay patuloy nating maipagmalaki ang ating sariling mga wika sa pamamagitan ng palagiang paggamit nito sa pakikipagtalastasan sa buong mundo.
Mabuhay ang ating wikang Filipino! Mabuhay ang Pilipinas!